Lunes, Hunyo 11, 2012

The Wonderful World of Nursing

Y U TOOK UP NURSING!?



Simple. To take care of patients..blah..blah..blah..

Pero hindi naman talaga yun yung purpose why they took up nursing. Kasi, tatlong rason lang yan eh:

1. "I NEED MONEY. Taking up Nursing and going abroad is the best, for me."
2. "PINILIT ako ng magulang ko. Pero Political Science talaga yung gusto ko."
3. "NURSING IS IN MY BLOOD. I want to help people and take good care of them."


If you want to be a nurse someday, kailangan mo talagang isapuso ito.
Hindi porket pinilit ka, BAHALA NA SI BATMAN kung may mapatay kang patient. That's a very big no no sweetie.


Syempre, dahil tinanggap mo na ang Nursing sa inyong buhay. Is-share ko sa'yo ang mga natutunan ko this past few years.

**By the way, I'm Ria Clarence, but you guys can call me Ria, or Candee, nickname ko yon! :DD

3rd year na ako, and obviously, I'm taking up nursing because my momma told me so. Hindi ko talaga pinangarap mag-nursing, pero sa kadahilanan na Nursing or nasa Medical field ang pamilya, kailangan kong gumaya.**

Ok then! Moving on with my experiences, so far :)



Pag 1st year ka, dito ka magfocus:
Theoretical Foundations of Nursing (TFN)
kung saan dito mo malalaman ang mga theories ng bawat nursing theorist. (Duh!?)
Haha!


Mawawala ba naman ang pinaka sikat na theorist sa buong mundo?
Na kilala sa katagang "Lady with the Lamp", Florence Nightingale.




Hindi lang naman siya eh. Marami pang iba. At maloloka ka kung hindi mo hahanapin ang mga key words na nagde-describe sa theories nila. Focus man! 


Magpapahuli ba naman ang Anatomy and Physiology?

Dito mo malalaman ang different parts of the body including its functions. But wait, there's more!

Hindi lang siya simpleng, nasaan naka-locate ang eyes, nose, ears, etc.

Dito mo nalalaman ang kung anong nasa loob o ilalim ng bawat organ.

Eto pa, hindi lang isang system kayo magfo-focus. Sa lahat ng system, pati anatomy at physiology ng kuko, mapagaaralan nyo :))

Sabi nga nila, kahit hirap na hirap ka na, MAHALIN SI ANATOMY. haha.


Nandyan din si NCM100, nahahati yan sa dalawa, isang lecture, at isang lab.

Lecture. dito nyo matutununan ang preview as a profession, what nursing is all about. Kumbaga, as a whole nyo siya pag-aaralan, hanggang sa hihimayin na yan pagdating sa 101,102,..etc. 

Lab. this is the fun part. dito mo kasi ma-appreciate mga natutunan mo sa lec, and more sa lab. dito mo matututunan ang walang kamatayang VITAL SIGNS at kung ano ano pa! Hands- on kasi dito. Kaya masaya :D

May duty din dito. Ang kaso, community-based palang kayo, hindi pa hospital. pero some institutions, meron na silang hospital-based duties.





Pagtapak mo ng 2nd year, kung naloka ka sa Ana-Phy, wala pa sa kalingkingan yang pagkaloka mo pagdating sa subjects mo sa 2nd year. Isama mo pa yung RLE, na tinatawag din natin sa Duty or exposure.




Based on my experience, this year was 95% Hell. Why? sunod-sunod ang mga gagawin mo na school-related activities. Kaya say no to gala mode ka muna.


Marami ka naman matututunan dito eh. Kung kaya mong ipagsiksikan ang:


Microbiology (na tungkol sa microorganisms na nakakabulol ang mga pangalan at lagi kang mawr-wrong spelling sa sobrang lalim ng ibigsabihin)


NCM 101, meron na yang lec, lab at rle. yung lec, patungkol naman sa Maternal and Child health. Pero in this class, focus muna tayo sa mother. Mga sakit kapag nagbubuntis siya, kapag katapos manganak,. stuff like that na ayoko na pagusapan dahil masakit na ang ulo ko. :))


Sa lab naman. hands-on parin. Parang dati, pero ngayon, depende sayo kung mahihirapan kang gawin yun o hindi.


Pagdating sa rle, DUTY time! Dito mo mafefeel na I AM A NURSE na nga talaga, pero depende parin sa magiging Clinical Instructor mo, kasi yung iba..


Nagpapahiya ng estudyante sa harap ng patient. BOOOM! 


Manliliit ka talaga pag ganun noh! Yung halos ayaw mo na bumalik sa patient mo kayo hindi ka magaling na nurse. Pero yung totoo, you have to learn from your mistakes. Not all the times magkakamali ka. Shunga ka teh!?


NCM 102 focuses on the baby naman, yung mga sakit, pano alagaan si baby..just like yung lab and rle, same same same. VITAL SIGNS PA RIN! :))


Pharmacology, puro gamot! Ano yung generic name, yung brand name, yung indications, and many more. Nakakaloka din to noh! hindi siya ordinary na kapag gamot, yun na yun, you must learn from deep within the drug man.




CHN, lagi kayong exposed patungkol sa community to. Actually, hindi makaka-share ng preview about this kasi, everytime na naglelecture dito, nakakatulog ako. Nakakabato kasi. Yeah, I'm sorry. Basta, hanapin nyo lang yung book na Maglaya, oks ka na :D


Summer class at walang takas ka pa rin sa nursing!


Strat. Health teaching to brad. Dapat madaldal ka, para sa matutunan nila yung gusto mong iparating na information.


Nursing Info. exposed ka naman sa computers dito. na patungkol parin sa nursing syempre. pero most of the time, hindi lahat ng kinds of computers and programs na tinuturo is not applicable sa Philippines, pero kung magiiibang bansa ka, worth it yung nursing info.






Marami ka pang mae-experience sa Nursing. Hindi lang ito. I'm sure marami ka pang nalalaman kesa sa akin, pero dahil sa I love to blog, yan. My thoughts about nursing :)




Malayo pa ang tatahakin natin sa Nursing. At ako as a 3rd year nursing student, sunog kilay na naman ako. Pero kong matalino ka. Petiks ka lang.






Thanks for reading and viewing guys! :D




-Ria Clarence

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento